Biyernes, Enero 30, 2015

Takot

Abala sa pagsasaayos ng mga kagamitan sa eskwelahan si molly.Seryoso ang mukhang sinasalansan niya ang pagkakaayos ng mga papel sa ilalim ng kanyang study table sanhi ng kanyang walang katapusang research papers at theses.Graduating student na sa malaking university ang dalaga.Umaasang maging kabilang sa mga successful architect.19 years old.
Magisa lang siyang naiwan sa dormitoryo ng mga kaibigan niyang party-goers na kapwa niya kakolehiyo.Walang reaksiyong mababasa sa maamo niyang mukha.Masyadong nadala ng kanyang pagkaabala ang mga emosyon niya.
                  "So let the flames begin,so let the flames begin,ohhh gloooorryyy".
Patuloy na pumapainlalang ang kanta ng sikat na paramore.Pampaalis boredom iyon ni molly.Nakakabagot nga namang mag-isip ng mag-isip ng mga lecture kung wala sa atmosphere mo ang presensiya ng musika.Pampadagdag konsentrasyon iyon ng dalaga.Lalo't siya lang ang mag-isa at kung papatayin mo ang tunog ng kanta ay talaga nga namang matutulig ka sa ingay ng katahimikan.
   Magaala-una na ng madaling araw.Malapit ng matapos sa pag aayos ng mga gamit si molly.Wala parin ang mga kaibigan niya.
        "Talaga naman ang mga iyon oo,tsk tsk,nakakatakot pa naman ang mag isa",bulong ng konsensiya niya.
Natapos na sa pagsasalansan si molly.Oras na para sa pisikal na paglilinis.Naisip niya,kailangan niya pang bumaba sa 1st floor para tahakin ang banyo upang maglinis ng katawan.Humanda na siya para sa half bath.Pagbaba niya,dilim ang sumalubong sa kanya.

   Tangan tangan niya sa balikat ang tuwalya,at cellphone kasama ang toothbrush at sabon naman sa kamay niya.Nangangapa ang mga mata niyang pinuntahan ang banyo.Agad na pinindot ang switch ng ilaw.
"Hays,ang tahimik naman,mas maaakit yung mga dark powers lumapit neto eh,makapagsoundtrip nga",napipilitan ng kausapin ni molly ang sarili niya.
   Gumising sa katahimikan ang lagaslas ng tubig kasabay ng pagtunog ng Bohemian Rhapsody ng Queen.Sumabay naman sa tugtog si molly habang tuwang tuwang itinatapat ang katawan sa shower.
  "Goodbye everybody,i have to goooo".
Napalakas na ang boses ng dalaga,lumamig kasi agad ang paligid niya,patuloy na nilalabanan ang takot.Konting proseso na lang at tapos na siyang maglinis.Matutulog na siya tapos wala na.Kinakausap niya pa rin ang isip niya.Dagdag lakas loob na ngang maituturing.Hindi niya na makayanan ang lamig,tinapos niya na ang pagligo,pinatay ang music.
    Biglang tumunog ang cellphone.May tumatawag.
"Bwiset namang ring tone to,nakakatakot naman",napagtripan niya kasing gawing ring tone ang isa sa trending tone ng isang horror movie na "The Conjuring",plano niyang panakot sa karoom-mate niya.

      "uhmmm,hello?".

"Gusto mo bang malaman kung paano ka mamamatay?".
"Sorry ah,wrong number ka ata".
Natakot ang dalaga sa tanong ng tumawag.Babae ang caller.Malamya ang boses.Waring kulang sa lakas.Tila hinang-hina.Para bang galing sa ilalim ng lupa.Napagisip-isip ng dalagang baka nandito na ang mga kaibigan niya at pinagtitripan siya.Sumilip siya sa labas ng bintana.Nagaakalang nasa labas lang ang mga kaibigan at nagtatago.Wala siyang maaninag.Masyadong madilim.
      Binalik niya na lang uli sa pagsara.Dali-daling pumanhik sa itaas.Naapektuhan siya ng husto sa tumawag sa tumawag sa kanya.Suot ang kanyang roba,hindi na niya pinagkaabalahang isuot ang mga damit.Pati na ang paggalaw sa sariling kwarto ay hindi na niya magawa sa sobrang takot.Papahiga pa lang siya sa malambot na higaan ay tumunog ulit ang kanyang cellphone.Hindi niya na tinangkang sagutin,pinatay niya agad ang cellphone,isa pang tawag.
"Haysss ang kulit talaga!!".

"Hello sino ba to?kung trip mo ako,wag ngayon kasi inaantok na ko,kaya utang na loob,wag ngayon,di kita masasakyan".
"Kasama mo ako ngayon".


Napatda siya sa narinig,agad na pinanayuan ng balahibo,hindi niya malaman ang sasabihin niya.Linukob na siya ng tuluyan ng sindak.Inaamin niya,duwag siyang tao.Tipikal siya na hindi nanunuod ng mga horror movies.Mahina siya sa ganung bagay.Mahina ang puso niya sa ganun.
Hindi niya na kinaya,tinanggal niya ang battery ng cellphone,pinindot ang seradura ng pinto at nagtalukbong ng kumot.Ang kaninang init na init na katawan ay nanginginig na sa lamig.Abot hanggang kaibuturan.
            Tumunog ulit ang cellphone niya.Kinilabutan na siya ng sobra-sobra sapagkat sa pagkakatanda niya ay tinanggalan niya iyon ng battery.Napaiyak na siya.Sinisisi niya ang mga kaibigang mahilig pumunta sa mga party.Ni hindi man lamang siya masamahan ng mga ito.Nakikiusap nga siya sa mga itong wag siyang iiwanan dahil tiyak magpupuyat siya sa dami ng gawain at higit sa lahat ay takot siyang mga-isa.At ngayon,nagiisa na siya,pinapatay na ng isang di maintindihang nilalang sa kilabot.
Hanggang sa naramdaman niyang bumukas ang pinto at nadama niya ang yabag nito na papunta sa kinalalagyan niya.Unti unting nanikip ang dibdib niya.Kinakapos siya ng hininga.Hanggang sa naramdaman niyang may tumabi sa kanya.Nagtapos ang lahat sa kanya.


       Kinabukasan,nagkakagulo sa kwarto ni stace,ang kaibigan ni molly.Nagising silang malamig na bangkay na ang kaibigan nila.Naabutan pa niyang nakataklob ng kumot ang dalaga.Laki nga ang pagtataka nilang todo balot sa kumot ang dalaga samantalang mainit pa ang singaw ng hangin kahit madaling araw na.
Hindi maipaliwanag ng mga sumuri kay molly kung bakit siya nagkaganun,kahit siya.Iniwanan pa nilang busy ito sa paglilinis ng gamit.Nakokonsensiya nga siya dahil papunta silang bar noon at alam niyang walang makakasama si molly.Halos maglumuhod nga ito sa kanya na wag itong iwan.Suspetsa nilang bangungot ang dahilan ng pagkamatay nito kahit takot ang tumapos dito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~''

Martes, Enero 20, 2015

Ipis

Gabi,ang natatanging panahon na maituturing na pagkakataon  para sa nilalang na katulad ko,ang magbutingting o magliwaliw,saliw ng magigiting na ilaw sa lungsod,mahalimuyak na amoy mula sa ilalim ng lababo o mga salit ng alikabok na nakayakap sa pader,mapabanyo man o mapabodega,o mas angkop siguro kung sa bodega,na kung di mamalasin ay walang magbuga ng nakalalasong usok mula sa mga higanteng nilalang na malalaki ang mga talampakan na magdudulot sa amin ng katapusan.Hindi ko alam kung gaano kami karami,pero magiging tama ang akala kong mas nakahihigit kami kumpara sa mga higanteng nilalang na lubos ang pandidiri sa amin.Kung minsan,wala akong tiwala sa lakas ng pang-amoy ko sa alam kong pagkain,dahil karamihan sa kasamahan ko ang napahamak na  dahil sa paghanap sa naamoy nilang pagkain.
                            Noong maliit pa lamang ako,hindi ko makilala kung sino ang nagluwal sa akin,dahil isaandaang porsyentong magkakamukha ang lahi namin na hindi katulad ng mga higanteng nilalang na tumatapak sa kanila gamit ang termino nilang “tsinelas”.Hindi ko lubos maintindihan ang aming mundo na binabalot ng mga higanteng iyon na may malalaking talampakan,at hindi ko rin lubos maunawaan kung bakit ganun na lang ang pandidiri nila sa mga katulad namin,dahil kung tutuusin,malinis naman ang aming mga kinakain.At heto,balik sa dating gawi,lumalatag na ang dilim,ito ang tamang panahon dahil nakapagtatago kami sa kung saan,at siguro kung seswertehin ay walang matapakan sa mga kasamahan kong nagsisigala,o  di kaya ay makatapak sa akin.Hindi ko alam ang pakiramdam ng natapakan,pinalo,o ang makasinghot ng nakalalasong usok,ngunit sabi ng kasamahan kong nakaranas ng ganoong bagay,masakit daw talaga.Parang gugustuhin mo na rin daw mamatay kung nakalanghap ka ng usok na yon na kung di ako nagkakamali sa pandinig ay isang “baygon”’.Ngunit kahit papaano sa sandaling itatagal ko sa mga oras na ito,nagagawa rin pala namin takutin ang mga higante na iyon,basta ilalabas mo lang ang nakadikit sa likuran mo o pakpak siguro para sa lahi namin,sabay talon sa kakaibang mukha ng mga higante.Nakakatawang panoorin kapag nagaaringking na sila sa sobrang pandidiri,pagkatapos ay nakatanaw lang ako sa kanila matapos ko ulit umulit ng isang talon.
                         Minsan,sa pagtatapang tapangan kong maglakad sa mga panahong may araw pa,napansin kong hindi parehas ang itsura namin sa mga higante,mas maganda at perpekto ang itsura namin kaysa sa kanila,na may perpektong antena na nakadikit sa aming mga ulo,at mas mainam tingnan ang ulo namin dahil maliit.At higit sa lahat na pinakagustong gusto ko sa lahat,ang nakadikit sa aming mga likod o di kaya pakpak na isa sa pinakamagandang regalong inihandog sa amin ng Diyos.Hindi katulad ng mga awra nilang mabagsik na nakatingin sa amin o kaya mga nakangising mukha na magbibigay premonisyon sa amin na iyon ang posible naming maging katapusan.Kung ako lang talaga ang papipiliin,sana may bukod na mundo para sa amin,para sa mas masayang pamumuhay katulad ng pagtutusukan ng aming mga antena,na talaga namang malakas ang kiliti sa ulo ko,ngunit pinanganak na ata kaming malas,kasama ang mga nilalang na ito,na walang ginawa kundi pagbuntunan kami  ng galit dahil sa kami raw ang naglilikha ng dumi sa kanilang tahanan para sa kanila,dahil mabango naman ang halimuyak niyon para sa amin,sa mga pang araw araw na ginagawa nila na wala namang katuturan,na kung may katuturan man ay walang saysay sa amin dahil hindi naman nila kami sinasama sa pagtatagumpay nila,sa halip tinatapakan pa.Iniisip ko nga minsan sa aking pagiisa,nilikha ba kami para patayin?wasakin?paglaruan?paluin ng “tsinelas”?pasinghutin ng nakalalasong usok?napakasama ng mundo para sa amin,na kung iisipin ay walang kasing sama ang mga higante kung ikukumpara sa amin,sana hindi nalang kami lumitaw sa mundong ito o kung lilitaw man,ay gawing kauri nalang kami ng mga higante.Sa mga oras na ito kahit pagkakataon naman ito sa amin para magliwaliw,mas gusto kong makamit nalang ang katapusan gamit ang napakaliit na ilog sa paglanghap ng nakalalasong usok,para iglap lang at tapos na.Tapos na naman ako sa pagiisip ko,pupunta na ako sa maliwanag at mabahong bahay na kumikinang sa sobrang linis,mas mapapadali doon ang buhay ko,ayokong mamuhay sa panahong walang puwang para sa mga katulad ko at katulad namin.Hindi nga ako nagkamali,walang pangingiming humarap ako sa liwanag ng kanilang ilaw,sumalubong agad sa akin ang nakalalasong amoy.Wala ngang kasing sakit,tumuklab ang pakpak ko at nagsimulang mataranta,naghahanap ako ng hininga dahil hindi ako makahinga.Ang layo layo na ng natatakbo at natatalon ko,naghihiyawan na ang mga higante sa paligid ko pero gustong gusto ko na talaga mamatay.Hanggang sa may tumama sa buong katawan ko,malakas ang suspetsa kong siguro  ay tsinelas iyon ng higante.Sa wakas,mamatay na ako,lalayo na ako sa masamang lugar na ito,na walang respeto sa katulad naming malilit,pero wala na akong paki alam sapagkat hinding hindi ko na mararanasan iyo,kahit kailan.

                                       

Huwebes, Enero 1, 2015

Minamahal Sa Sawali (Kasama Si Earl Janne Ofalla(nobyo))

Salig sa barong-barong
            Lumililim sa mistulang payong,
Nagpapaapoy sa batong bilog
            Halos malalaglag na sa ilog


Pumikit ako ng mariin
           Sinamyong buhok ay yakapin,
Kanyang sagot malakas na piglas
           Bunganga'y biglang napabulalas


Pagkatapos ng marubdob na halik
          Ingay ng batingaw ang bumalik,
Nakakaulili man sa aking pandinig
          Ningas nami'y umulit sa banig


"Iyong halik walang magagawa
          Magtrabaho ka para puno ang sikmura",
Praktikal na naman ang asawa kong mahal
          Para sa kanya maghuhukay ng kanal


Sa gitna ng init ng katanghalian
         Pinapaso ang likod kong babad sa araw
Pawis at laway ang pinuhunan
          Burak sa ilog ang nilalanguyan


Burak na puno ng yamang lihim
         Hindi na makakita dahil sa dilim
Sana maswerte at hindi maloko
          Sa bote,dyaryo tinyo kalakero


"Ayos jomar di mo ko dinaya,
           Papel mong ipinalit sapat na sa sikmura",
Para kay mahal pandecocong tinapay
            Diretso sa lamesa pagdating sa bahay


Sa dighay niya ako natuwa
             Isang sampal at naiwang kawawa,
Pagdating sa higaan ito ang narinig
            "Halina't humiga ka na sa banig"


Lungkot ang rumehistro sa aking mukha
              Nagsusumamo sa asawang dukha
Nang sinubukan kong kumalabit
              Ari ko'y kanyang pinilipit

Miyerkules, Disyembre 31, 2014

Talaan Ng Nilalaman Ni Munting Anghel

Patuloy na hinahanap  ang butas,
Inaaninag ang liwanag ng bukas
Dilim sa kasalukuyan  ang bumabalot sa akin,
Pilit kong itinulak,ni hindi dapat hilahin


 Ang batang sa simula nakaririwasa
Umasang patuloy na rumaragasa,
Ngunit sinimulan ng haligi,Pamilya'y sinira
 Lumubog ang ginhawa,Dagok ang gumahasa


 Huminga ka ng malalim anak at lumisan,
Takasan ang kahirapan at dungisan
Mithing tinatamasa,angkinin ng lubusan
 Guni-guning bumubulong,Desisyon ay pagnilayan


 Batang pinangaralan,Lumaki at nagtanda
 Gabay ng konsensya,Tinatahak ngunit handa
Panaghoy ng nakaraan,Gumigiti datapwat napunasan
 Talinong itinatago,Lungkot ay kinalimutan

Lunes, Disyembre 29, 2014

La numero

Hindi mabilang na pag-aanalisa,
                        Kamuntik magsagawa ng pag-aalsa
Animo'y namamalimos ng hustisya,
                        Ang grasyang mailap pumadpad sa kanya

Pilit sinusuyod pag-aaring utak,
                       Ang bukod tanging kayamanang sinikap
Naglulumuhod,Laging nahihimutok
                       Sinusukat yaring dapat kong ihugot

Oh bilang ng lahat,Maging mabuti ka
                       Ginawa ko ang lahat,Mahuli ka lang
Subalit bakit kamalas-malasan pa
                       Ang di ka mayakap,Ni mahawakan pa

Naparalisado sa pangangatipa,
                      Ikaw kompyuter makisama ka nawa
Ang pag-asang bumabalot sa katawan,
                      Pasensya ko numero,wag ng hawakan