Huwebes, Enero 1, 2015

Minamahal Sa Sawali (Kasama Si Earl Janne Ofalla(nobyo))

Salig sa barong-barong
            Lumililim sa mistulang payong,
Nagpapaapoy sa batong bilog
            Halos malalaglag na sa ilog


Pumikit ako ng mariin
           Sinamyong buhok ay yakapin,
Kanyang sagot malakas na piglas
           Bunganga'y biglang napabulalas


Pagkatapos ng marubdob na halik
          Ingay ng batingaw ang bumalik,
Nakakaulili man sa aking pandinig
          Ningas nami'y umulit sa banig


"Iyong halik walang magagawa
          Magtrabaho ka para puno ang sikmura",
Praktikal na naman ang asawa kong mahal
          Para sa kanya maghuhukay ng kanal


Sa gitna ng init ng katanghalian
         Pinapaso ang likod kong babad sa araw
Pawis at laway ang pinuhunan
          Burak sa ilog ang nilalanguyan


Burak na puno ng yamang lihim
         Hindi na makakita dahil sa dilim
Sana maswerte at hindi maloko
          Sa bote,dyaryo tinyo kalakero


"Ayos jomar di mo ko dinaya,
           Papel mong ipinalit sapat na sa sikmura",
Para kay mahal pandecocong tinapay
            Diretso sa lamesa pagdating sa bahay


Sa dighay niya ako natuwa
             Isang sampal at naiwang kawawa,
Pagdating sa higaan ito ang narinig
            "Halina't humiga ka na sa banig"


Lungkot ang rumehistro sa aking mukha
              Nagsusumamo sa asawang dukha
Nang sinubukan kong kumalabit
              Ari ko'y kanyang pinilipit

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento