Hindi mabilang na pag-aanalisa,
Kamuntik magsagawa ng pag-aalsa
Animo'y namamalimos ng hustisya,
Ang grasyang mailap pumadpad sa kanya
Pilit sinusuyod pag-aaring utak,
Ang bukod tanging kayamanang sinikap
Naglulumuhod,Laging nahihimutok
Sinusukat yaring dapat kong ihugot
Oh bilang ng lahat,Maging mabuti ka
Ginawa ko ang lahat,Mahuli ka lang
Subalit bakit kamalas-malasan pa
Ang di ka mayakap,Ni mahawakan pa
Naparalisado sa pangangatipa,
Ikaw kompyuter makisama ka nawa
Ang pag-asang bumabalot sa katawan,
Pasensya ko numero,wag ng hawakan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento