Patuloy na hinahanap ang butas,
Inaaninag ang liwanag ng bukas
Dilim sa kasalukuyan ang bumabalot sa akin,
Pilit kong itinulak,ni hindi dapat hilahin
Ang batang sa simula nakaririwasa
Umasang patuloy na rumaragasa,
Ngunit sinimulan ng haligi,Pamilya'y sinira
Lumubog ang ginhawa,Dagok ang gumahasa
Huminga ka ng malalim anak at lumisan,
Takasan ang kahirapan at dungisan
Mithing tinatamasa,angkinin ng lubusan
Guni-guning bumubulong,Desisyon ay pagnilayan
Batang pinangaralan,Lumaki at nagtanda
Gabay ng konsensya,Tinatahak ngunit handa
Panaghoy ng nakaraan,Gumigiti datapwat napunasan
Talinong itinatago,Lungkot ay kinalimutan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento